Sobrang naging makatotohanan ang eksena sa hit GMA Afternoon series na “Magandang Dilag,” at tila hindi kinaya ni Bianca Manalo.

Ginagampanan ni Bianca Manalo ang kontrabida role na si Riley Tevez-Illusorio, at totoo raw na napasigaw siya at natakot nang makakita ng totoong uod.

“Takot ako talaga sa kahit anong creepy crawlies,” sabi ni Bianca sa Instagram post.

Ayon sa beauty queen-actress, hindi siya sinabihan ng production team na “totoong worms 'yung mabubuksan namin ng Elite Squad.”

“So totoo 'yung sigaw ko and napa walk out talaga ako ng scene kahit hindi pa cut sa takot," dagdag niya.

 

 

Napapanood ang “Magandang Dilag” sa GMA Afternoon Prime series, na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

Kasama rin sa cast sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Sandy Andolong, Chanda Romero, Adrian Alandy, at marami pang iba.—FRJ, GMA Integrated News