Kabilang ang “Firefly” ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa mga pelikulang kalahok sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.
Inihayag ni MMFF Chairman Romando Artes, na mula sa dating walo, 10 pelikula na ang makakasama sa MMFF.
Sa unang anim na pelikulang inanunsyo sa press conference nitong Martes, kasama ang "Firefly,” na pangungunahan nina Alessandra de Rossi at Euwenn Mikaell.
Mapapanood din sa nasabing pelikula sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayoy Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, at Kokoy de Santos, at may special participation ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Ang coming-of-age road trip drama na ito ay tungkol sa isang batang lalaki na hahanapin ang mythical island na madalas na ikuwento sa kaniya ng kaniyang ito.
Ang “Firefly” ay idinerek ni Zig Dulay.
Samantala, ang lima pang pelikula na kasama sa final list ay ang:
- “GomBurZa” by Jesuit Communications Foundation, Inc., which stars Enchong Dee, Cedrick Juan, and Dante Rivero and is directed by Pepe Diokno
- “When I Met You In Tokyo” by JG Productions, which stars Vilma Santos and Christopher de Leon and is directed by Conrado Peru, Rommel Penesa, and Christopher De Leon
- “Becky and Badette” by The Ideafirst Company, nina Pokwang at Eugene Domingo sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana.
- “Mallari” by Mentorque Productions, ni Piolo Pascual na idinerek ni Derick Carbrido.
- “Broken Hearts Trip” by Smart Films Production, na pinagbibidahan nina Christian Bables, Andoy Ranay, Iyah Mina, at Petite, sa direksyon ni Emuel Lorca.
Nauna nang inanunsyo nitong nakaraang July ang iba MMFF entries na:
- “(K)Ampon” by Quantum Films, nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales sa direkyon ni King Palisoc.
- “Penduko” by Sari Sari Network, nina Cristine Reyes at Matteo Guidicelli sa direksyon ni JP Laxamana
- “Rewind” by ABS-CBN Film Productions, Inc., nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa direksyon ni Mae Cruz- Alviar; at
- “A Mother And Son’s Story” by Cineko Productions, Inc., nina Sharon Cuneta at Alden Richards na idinerek Nuel Naval.
Mapapanood ang mga pelikula sa MMFF 2023 sa December 2023 hanggang January 2024.— FRJ, GMA Integrated News