Sa Instagram post, inihayag ni Iwa Moto ang kaniyang kalungkutan sa pagpanaw ni Yzabel Ablan, na anak nina Janna Dominguez at Mickey Ablan. Dating nakarelasyon ni Iwa si Mickey at ilan taon din silang nagsama at siya ang nagsilbing stepmom ni Yzabel.

Dalawang post sa Instagram ang ginawa ni Iwa na makikitang kasama niya si Yzabel noong bata pa ito.

"My little butterfly. Thank you. Still can’t find words to say other than I love you so much and I will miss you. See you in my dreams my little warrior.. watch over us anak. Mommy loves you so much," ani Iwa sa caption.

BASAHIN: Anak ng aktres na si Janna Dominguez na si Yzabel, pumanaw na

Para sa mga nagtatanong, ipinaliwanag ni Iwa kung bakit malapit sa kaniyang puso si Yzabel na pumanaw sa edad na 20.

"Yzabel is my 1st born daughter. And yes hindi ako ang biological mom nya. I was her stepmom for a couple of years. Pero i know in my heart na mahal na mahal ko sya kahit di ako ang nag luwal sakanya sa mundong to. Sya ang 1st ko sa madaming bagay," ayon kay Iwa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)

 

"Tinuruan nya akong maging mommy. Maging patient, she always tells me that to be fully happy i have to learn to forgive.. and she is a survivor," patuloy ng dating aktres.

Kahit matagal na umano silang hindi nagkikita, hindi raw nakakalimot si Yzabel na batiin siya.

"You never fail to greet me. Or just to say hi. You always have so much kwento. Mamimiss ko yun anak. Yung mag tetext ka sakin kung maganda ba ootd mo. Or mag rarant ka lang mamimiss ko yun anak," ayon sa "StarStruck" Season 3 First Princess.

"I wish i could have spend more time with you. Im sorry if i fail you anak. Sorry sa mga pagkakamali ko. tandaan mo anak na sobrang mahal ka ni mommy. See you in my dreams anak," patuloy ni Iwa, na mayroon nang sariling pamilya kasama si Pampi Lacson.

Ipinaalam ni Janna nitong Linggo sa IG post ang pagpanaw ng anak nila ni Mickey na si Yzabel noong October 7.

Sinabi ni Janna na ano ang ikinamatay ng kanyang anak na si Yzabel na "sudden heart failure and lung infection" ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang anak.

--FRJ, GMA Integrated News