Hindi mapigilang maging emosyonal ng isang couple matapos na mag-gate crash si Ed Sheeran sa kanilang kasal at haranahin sila sa Las Vegas sa Amerika.

Sa video post sa kaniyang Instagram, na iniulat din sa GMA news Unang Balita nitong Miyerkoles, makikitang kasama ni Ed ang ilang backup singers nang bigla siya silang pumasok sa venue ng kasal na ikinagulat ng couple.

Inawit ni Ed sa bride at groom ang kaniyang soon-to-be-released na kantang “Magical.”

Kaya naman hindi mapigilang maging emosyonal ng bride at groom bago sila magpalitan ng “I do” at mag-kiss.

Pumirma pa si Ed sa kanilang marriage certificate bilang witness sa kasal.

 

 

--Jamil Santos//FRJ, GMA Integrated News