Pasadong action star para kina Jeric Raval at E.R. Ejercito ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Inihayag ito ng mga veteran action star sa media conference ng "Maging Sino Ka Man'' nitong Huwebes kung saan gaganap si David bilang si "Carding."
Ayon kay E.R., “I highly believe that David Licauco, as an action star, can be the next Ace Vergel and the next Rudy Fernandez.”
Naniniwala naman si Jeric na masusundan pa ang mga action projects ni David.
“As an action star, nakikita ko naman kay David, acting-wise, nakita ko 'yung trailer, I believe he will go places,” ani Jeric.
“Kagaya ng sinabi ni Gov. kanina, siya 'yung susunod na Rudy Fernandez, Ace Vergel. Nakikita ko rin sa kanya 'yun,” dagdag niya.
Kasama rin sa “Maging Sino Ka Man” sina Barbie Forteza, Jean Garcia, Faith da Silva, Jean Saburit, Juancho Triviño, Rain Matienzo, Mikoy Morales, at iba pa.
Remake ito ng iconic '90s film na pinagbidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.—FRJ, GMA Integrated News