Tumayong mentor si Rufa Mae Quinto kay Herlene Budol, at kuwela niya itong tinuruan kung paano mag-Ingles at sumagot sa Q&A.

Sa vlog ni Herlene, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Biyernes, makikitang “Go, go, go” si Rufa Mae nang i-translate niya ang ilang linya sa Ingles para kay Herlene.

Paliwanag ni Rufa, ang ibig sabihin ng “Todo na ‘to” ay “to the max” o “to the highest level.”

Nagmistula ring beauty queen si Rufa Mae sa pagsagot ng Q&A.

Gayunman, may seryosong advice si Rufa Mae kay Herlene na “follow your heart” at huwag pansinin ang bashers.

Sinabi ni Herlene na dadalhin niya ang mga turo ni Rufa Mae, lalo na sa pageant. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News