Pumanaw kaninang umaga sa edad na 85 ang veteran actor na si Robert Arevalo.

Ang anak ng aktor na si Anna Ylagan ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng post sa Facebook.

"Robert Francisco Ylagan, a.k.a. Robert Arevalo, peacefully passed away at 10:17am this morning, Aug. 10, 2023," saad niya.

"Praise God for His mercy and grace. We are grateful that He has given us the best Papa one can ever wish for," ayon pa kay Anna.

Nagpasalamat si Anna sa kaniyang ama sa pagmamahal na ibinigay sa kanila.

"Although our hearts are broken, we are comforted by God's promise that He has a place reserved for you in His kingdom in Heaven where all of us who believe in His son, Jesus, will one day reunite," ani Anna.

Ibuburol si Robert sa Arlington Chapels sa Quezon City sa Sabado at Linggo.

Naging bahagi ng ilang Kapuso series si Robert kabilang ang drama epic fantasy series na "Indio" noong 2013, at 2014 drama series na "Ang Dalawang Mrs. Real." —FRJ, GMA Integrated News