Ni-renew na ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang rehistro ng TAPE Inc. para sa trademark ng Eat Bulaga.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nakatanggap ang GMA Integrated News ng kopya ng registration na pinadala ng TAPE Inc.

Sinabi ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na mananatiling may-ari ng pangalang Eat Bulaga, EB, at mga logo nito ang TAPE Inc. hanggang 2033.

Sinabi pa ng TAPE Inc. na gagawin nila ang lahat para maprotektahan ang right of ownership ng Eat Bulaga.

Sinusubukang kunan ng pahayag ng GMA Integrated News ang IPOPHL kaugnay sa isyu. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News