Muling napanood si Jasmine Curtis-Smith sa noontime show na “It’s Showtime” matapos siyang unang magtanghal dito 13 taon ang nakararaan.

Ang kaniyang “sestra” na si Anne, may mainit na pagsalubong sa kaniya.

Sa episode nitong Sabado, inilahad ni Anne na muli niyang binalikan ang video nila ni Jasmine noong mag-perform sila sa noontime show.

“Thirteen years na pala. Dito nagsimula ang lahat,” pag-alala naman ni Jasmine.

Sa kaniyang performance ngayong Sabado, Agosto 5, nakabihis si Jasmine ng isang Barbie doll sa kaniyang solo production number sa kantang “Barbie World (with Aqua)” nina Nicki Minaj at Ice Spice.

Tinawag naman ni Anne ang kaniyang kapatid bilang “sestra,” habang sinabi ni Teddy Corpuz na “Original Showtime” baby si Jasmine.

“Dito nagsimula ang lahat, sa totoo lang talaga. Kaya thank you for having me back, ‘Showtime’ family,” sabi pa ni Jasmine.

“Thank you, at tsaka Sabado, so alam kong lahat ng mga taong nagtatrabaho usually, hello mga madlang workers diyan on your day off. Nice to be on your screens today,” dagdag pa niya.

Ginawa rin ni Jasmine ang “Mini Miss U” dance challenge.

Bukod dito, inimbitahan din ni Anne si Jasmine bilang kaniyang special guest sa kaniyang TikTok account, at nakisali sa isang video trend.

“Sestra, Welcome back to showtime!” caption ni Anne.

@annecurtissmith Sestra ???? Welcome back to showtime! @Jasmine Curtis-Smith ? Popular - Music from the HBO Original Series - The Weeknd & Madonna

Umeere ang “It’s Showtime” sa GTV ng 12 p.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes, at 11:30 a.m. tuwing Sabado. — VBL, GMA Integrated News