Mistulang nag-halo-halo ng samalamig si Buboy Villar nang pahulaan sa kaniya ni Isko Moreno ang iba't ibang flavor ng tindang samalamig ng isang babae, na isa sa mga napiling bigyan ng regalo sa "G Sa Gedli" ng "Eat Bulaga." Tumama kaya si Buboy?

Ang unang tinikman ni Buboy, avocado ang hula niya pero calamansi flavor daw ang sabi ng tindera.

Ang pangalawang samalamig, grapes naman ang lasa ni Buboy, pero chocolate daw iyon sabi ng tindera.

Ang pangatlong tinikman ni Buboy, first time daw niyang natikman na guava ang hula niya.

Pero ayon sa tindera, ube flavor naman iyon.

Sa ikaapat na tikim, kompiyansa si Buboy na guyabano na ang tamang sagot.

Pero mali pa rin dahil pineapple flavor daw iyon, ayon sa tindera.

Ang huling flavor na tinikman ni Buboy, nagmalaki siyang hindi na siya magkakamali. Ano kaya ang ikalima at huling flavor ng samalamig? Panoorin sa video ang nakatutuwang biruan nina Buboy at Isko.--FRJ, GMA Integrated News