Matapos ang kanilang private wedding sa Baguio City, naglabas ng mala-music video sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ng kanilang adventure trip sa abroad.

Sa video, makikita ang masayang kulitan ng dalawa sa iba't ibang lugar na kanilang pinuntahan.

"Just us being us," simpleng caption sa post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

 

Sa Baguio City ginawa ang kasal ng dalawa noong Biyernes na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at miyembro ng pamilya.

Kabilang si Ice Seguerra sa mga celebrity na naging saksi sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

"I couldn’t be happier for you," sabi ni Ice sa kaniyang post. "I love you both! Best wishes and congratulations!!!"

Hindi rin nawala ang iba pang Dabarkads ni Maine na bumati sa kaniya, kabilang si Vic Sotto na laging gumaganap na ama niya sa mga TV show at pelikula.

“Nag-143-44 na tayo, may Dabarkads pa tayong nag 143-44 na, nag ‘I do’ pa kahapon," sabi ni Vic. “Maine cute, congratulations.”

Bago ang kasal, naglabas si Maine ng ilang larawa ng kanilang prenup na makikitang suot niya ang white suit at bridal veil habang may hawak na bouquet of flowers.

Habang naka-brown suit naman si Arjo, habang nakatingin kay Maine.

Sa Facebook, ipinost ni Arjo ang mga larawan at nilagyan niya ng tula.

"So raise your glass, let the champagne flow/To a love that blossoms and continues to grow/Cheers to forever, a journey we embrace/With you by my side, my love, my eternal grace," bahagi ng naturang caption.

Taong 2019 nang maiulat ang magandang ugnayan nina Maine at Arjo.

Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong July 28, 2022. Makahulugan ang naturang petsa dahil nangyari ito siyam na taon matapos i-post ni Maine ni Twitter ang paghanga niya kay Arjo na sinabihan niyang "Arjo cutie."

 

--FRJ, GMA Integrated News