Bahagi na si Isko Moreno ng Sparkle family matapos siyang pumirma ng long-term exclusive contract sa GMA talent arm.

Ginanap ang contract signing event nitong Huwebes.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa ''24 Oras'' nitong Huwebes, sinabing utang ni Yorme ang malaking bahagi ng kaniyang buhay sa Kapuso Network at kay German “Kuya Germs” Moreno na kaniyang showbiz mentor.

Nagpasalamat din si Isko sa lahat ng sumusuporta sa Eat Bulaga.

“Hindi niyo kami iniwanan, ngayon ginawa niyo pa kaming number one sa puso ninyo. Basta ang sukli namin araw-araw, gusto namin masaya lang ang inyong afternoon habang kayo ay nanananghalian na kasama namin kayo sa Eat Bulaga,” sabi ni Isko.

Ipinarating ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kanilang espesyal na mensahe.

“Alam ng lahat na si Isko ay naging successful sa kaniyang showbiz at public service careers. Yorme Isko si still young and we don’t know where his destiny will bring him. Kaya Isko, whatever the future might bring, we wish you all the best and God speed,” sabi ni Atty. Gozon.

“Si Yorme ay isa sa mga tao na lumilingon sa pinanggalingan at may utang na loob. Ganu’n ‘yung pagkatao niya, and we’re very happy na nag-sign ulit siya sa GMA now as a Sparkle talent,” sabi ni Atty. Gozon-Valdes. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News