Muling magpapakilig ang balik-tambalan na "BarDa" nina Barbie Forteza at David Licauco para sa remake ng pelikulang "Maging Sino Ka Man," na unang pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Senator Robin Padilla.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing si Barbie ang gaganap bilang si Monique habang si David si Carding.
Ipinasilip nina Barbie at David ang behind the scenes ng look test shoot, na pinusuan ng BarDa fans.
Nag-trending online ang #MagingSinoKaMan at #BarDa. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News