Pasabog at trending worldwide ang naging handog ng “It’s Showtime” para sa Madlang People sa debut nito sa GTV ng Kapuso Network nitong Sabado, Hulyo 1.

Nagsimula ang bonggang opening number sa “G na G” na unkabogable party kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne Curtis, Kim Chiu, Ryan Bang, Amy Perez at Jugs at Teddy.

 

 

Bukod dito, nakisaya rin sina Jolina Magdangal, Erik Santos, Belle Mariano, Alexa Ilacad, at Chie Filomeno sa opening number. 

Mas lalo pang naging exciting nang makisaya rin ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Pokwang, Mark Bautista, at Rodjun at Rayver Cruz.

 

Isa pa sa naging highlights ang pagsakay ni Vice sa chopper mula sa ABS-CBN headquarters, at lumipad patungo sa GMA Network Center at sinalubong ng mga Kapuso habang inaawit ang “Glad You Came.”

Kaya naman nagmistulang Kamuning back to Ignacia ang opening number, habang trending worldwide ang #GnaGsaShowtime.

Tuloy-tuloy ang party-party sa pagkanta ng It’s Showtime hosts kasama ang iba pang Kapamilya at Kapuso stars ng theme song ng programa.

Sa huli, bumati ang hosts ng “What’s up Madlang Kapuso!”

 

VBL, GMA Integrated News