Fancy at fabulous ang ipinakitang generational beauty ni Jackie Lou Blanco sa photoshoot nila ng kaniyang inang si Pilita Corrales at anak na si Arabella Davao.

Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Huwebes, nakasuot sina Jackie, Pilita at Arabella ng ball gowns, na nagpapatotoong nananalatay ang kagandahan sa kanilang dugo at henerasyon.

“Generations of love,“ caption ni Jackie.

Pinusuan ang kanilang photoshoot ng kanilang mga kapwa artista at fans.

Si Arabella ay isa sa mga anak nina Jackie Lou at Ricky Davao.

Hiwalay na ang dating mag-asawa ngunit nagpapatuloy na mag-co-parenting sa kanilang mga anak. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News