Itinalaga si Pokwang bilang Queen Celebrity Icon Ambassadress ng Mrs. Universe Philippines Organization.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing ipinaliwanag ng organisasyon na qualified din sa titulo ang mga single parent gaya ni Pokwang.

Thankful si Pokwang sa pagkilala at sinabi niyang isa itong karangalan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News