Bilang paghahanda sa kaniyang katawan sa pagbubuntis, namaalam na si Ellen Adarna sa kaniyang bisyo ng paninigarilyo at vape matapos ang 17 taon.
Sa kaniyang Instagram, ipinakita ni Ellen ang kaniyang vape, kung saan sinabi niyang hindi na niya ito gagamitin.
"My last vice. Goodbye. I'm grieving," saad niya sa text ng story.
“Goodbye my friend. 17 years of smoking. I’m gonna break up with you now today. Goodbye, goodbye, I’m heartbroken,” sabi naman ni Ellen sa video.
Ngunit paglilinaw ni Ellen, hindi pa siya buntis.
“Im not pregnant, I'm preparing my body to get pregnant,” sabi niya.
Sa mga sumunod niyang IG stories, ibinahagi ni Ellen na tinubuan siya ng kuliti o stye sa mata, matapos tumigil sa vape nang higit 12 oras.
“It’s here. I think it’s from the emotional stress that I went through and still going through. The detachment of the vape, it’s showing. My demons are strong today,” sabi niya.
Ikinasal sina Ellen at Derek Ramsay noong 2021. Ayon kay Derek, plano na nilang magkaroon ng anak nitong taon.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News