Matutuloy na pagtatambal sa GMA Primetime series nina Marian Rivera at Gabby Concepcion. Matatandaan na si Marian sana ang leading lady ni Gabby na "First Yaya" noong 2020 pero hindi natuloy dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Nitong Martes, masayang ibinahagi ni Marian na tuloy-na-tuloy na ang proyekto nila ni Gabby, at dalawa ang kaniyang magiging karakter--na alien ang isa.
“Na-excite ako kung paano ko gagawin 'yung character as an alien eh. Siyempre bago 'to sa kin,” sabi ni Marian sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras."
“First time kong gagawin, so pag-aaralan naming mabuti kung paano 'yung magiging itsura niya as an alien,” dagdag ng Kapuso Primetime Queen.
Ayon kay Marian, magiging challenge sa kaniya ang magkaibang karakter na kaniyang gagampanan.
“‘Yung isang character naman is full of emotion naman. 'Yung kabila naman wala. So tingnan natin kung paano ko iwe-weigh 'yung dalawang 'yun,” saad ni Marian.
Matutuwa rin si Gabby na matutuloy na sa wakas ang proyekto nila ni Marian.
Kabilang sa mga makakasama nina Marian at Gabby sa kanilang proyekto sina Gabby Concepcion, Max Collins, Gabby Eigenmann, at Raphael Landicho.—FRJ, GMA Integrated News