Naglabas na ng kaniyang pahayag si Zack Tabudlo matapos makaladkad ang kaniyang pangalan sa paghihiwalay nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.
Sa Facebook nitong Miyerkules, nag-post si Zack, umawit ng "Binibini," ng kaniyang larawan habang nakaratay sa ospital. Kalakip nito ang caption na nagsasaad ng kaniyang panig tungkol sa alegasyon na third party siya sa paghihiwalay nina Moira at Jason.
Matapos ang mahigit isang taong pananahimik, nais ni Zack na linawin ang isyu. Aniya, nagulat ang kanilang circle of friends ni Moira nang malaman nila na nauwi sa hiwalayan ang kasal nina Moira at Jason.
Bilang mga kaibigan, naging prayoridad umano nila si Moira.
“Our group of friends would go out for dinner, we would all take her out individually as well, we watch movies, and we would do anything to make her happy and give her company," ani Jason, na sinabi ring puno ng breakdowns, traumas, at trust issues ang mga panahong iyon.
"Moira was just not well,” paglalahad ni Zack, na sinabing nais nilang suportahan si Moira na malampasan ang nangyari.
Pero sa halip, sinabi ni Zack na kung ano-ano ang naging paratang sa kanila, lalo na sa kaniya.
“[I] was there for a friend who needed my help, and [I] wanted to give that protection and support that she gave me when [I] needed it. [But] that’s not what everyone saw and what everyone knew,” giit niya.
Pinili raw ni Zack na manahimik pero naging sobrang bigat ito sa kaniya at humantong sa sinaktan na rin niya ang kaniyang sarili.
“[The pressure, the accusations, the music, my mental state, and everything just crumbled down for me[,] and [I] gave up,” ani Zack.
“I couldn’t take it… but thank God he gave me another chance,” dagdag ni Zack. “[I] was in the hospital in a comma unresponsive, and everyone thought [I] didn’t make it.”
Matapos ang ilang linggong recovery at therapy, sinabi ni Zack na ang circle of friends nila ni Moira ay nagpalagay ng colon tattoos na simbulo ng pag-asa.
“[Moira] told us to get bird tattoos as well for me to fly high and never look down forever,” sabi ni Zack.
Inamin ni Zack na hindi madaling pag-usapan ang tungkol sa kaniyang mental health at iba pang isyu pero kailangan niyang magsalita.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Zack ang mga sumusuporta sa kaniyang mga awitin.
“[To] hose who are also [on] the verge of giving up[,] this is not the end for you. God has so much in store for you, and your story will not end there,” ayon sa umawit ng Habang Buhay.
Nagbigay din siya ng mensahe para kay Moira na inilarawan niyang strongest person na kaniyang nakilala.
“[I] adore her with all my heart,” ayon kay Zack. “[She] was one of the people who were there for me during my healing stages in the ward, and [I] will never ever forget how much she’s helped me grow and move [past] this phase of mine despite all the things she went through.”
Una rito, naglabas din ng pahayag si Moira para pabulaanan ang mga alegasyon na siya ang nagtaksil sa pagsasama nila ni Jason, at mayroon siyang ghostwriter.
Mayo 2022 nang kumpirmahin ang paghihiwalay nina Moira at Jason. Kasunod nito ay inamin ng huli na naging “unfaithful” siya sa pagsasama nila ni Moira.
Sa mga nakararanas o may kakilala na nahaharap mental health crisis, may mga hotline na maaaring tawagan upang may makausap:
National Center for Mental Health: 1553 (Luzon-wide, toll-free) / 09178998727 / 09663514518 / 09086392672
Hopeline PH: 0288044673 / 09175584673 / 09188734673
In-Touch: +63288937603 / +639178001123 / +639228938944
— FRJ, GMA Integrated News