Nostalgia ang naramdaman ng mga naging bahagi ng Eat Bulaga, matapos ianunsyo nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang kanilang pamamaalam sa TAPE Inc., na producer ng longest-running noontime show.

“Always and forever…” maikli ngunit malamang caption ni Alden Richards sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Huwebes.

 

Sa Instagram post ni Rochelle Pangilinan, nagbahagi siya ng isang larawan noong miyembro pasiya ng Sexbomb Girls, na sumikat sa Eat Bulaga.

“Dito ako nagsimula. Dito ako umpisang nakilala. Dito ako lumaban at bumawi. Hanggang mag spaghetti ako pababa at pataas. Nakakalungkot lang,” caption ni Rochelle.

 

Nagpasalamat naman si Bianca Umali sa longest-running noontime show, na nagbibigay-saya sa kaniyang lola.

“‘Tuloy ang isang libo't isang tuwa.’ Maraming salamat, @eatbulaga1979 ♥? sa walang hanggang pagpapasaya sa Lola ko, sa akin, sa mga Pinoy mula Batanes hanggang Jolo at sa buong mundo. 143, Dabarkads! Hanggang sa muli,” caption ni Bianca.

 

“Hanggang sa muli, Dabarkads! ♥????? Walang hanggang pasasalamat sa inyo ?? Salamat” pasasalamat din ni Ruru Madrid.

 

Nagpost naman si Anthony Rosaldo na kasama sina Yasser Marta at Matt Lozano noong sumali sila sa Spogify segment ng Eat Bulaga.

 

“Ang unang nagtiwala sakin na maghost ng segment nung nagsisimula palang akong dj. di rin nila ako kinakalimutan i-guest pag may bago silang paandar. thank you dabarkads! we love you TVJ! (lalo na kay sir @angpoetnyo ! feeling close ako dyan. feeling close?!)” caption ni Mr. Fu.

 

Nostalgia rin ang naramdaman ni Isabelle Daza, habang fini-flex ang ilang behind the scenes niya noon sa Eat Bulaga, tulad ng panananghalian at groupie kasama ang iba pang Dabarkads.

“Ang unang nagtiwala sakin na maghost ng segment nung nagsisimula palang akong dj. di rin nila ako kinakalimutan i-guest pag may bago silang paandar. thank you dabarkads! we love you TVJ! (lalo na kay sir @angpoetnyo ! feeling close ako dyan. feeling close?!)” caption ni Mr. Fu.

 

Sa isang pahayag, sinabi ng GMA Network na ikinalungkot nito ang hindi inaasahang pangyayari sa Eat Bulaga.

“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues. Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.” —LBG, GMA Integrated News