Dahil panahon na naman ng graduation at uso rin sa social media ang "lapagan" ng graduation pictures, ipinakita ng mga host ng GMA morning show na "Unang Hirit" ang kanilang graduation photos. Sino kaya sa kanila ang parang hindi nagbago ang hitsura, at bakit kaya naiyak si Shaira Diaz?
Si "Igan" Arnold Clavio, biniro ang sarili na kahawig niya noon ang aktor na si Lito Pimentel.
Aniya, tambay siya noon sa P. Naval, kumuha ng baon sa bilyaran, at isang working student.
Ibinida rin nina Lyn Ching-Pascual at Mariz Umali, ang kanilang mga graduation picture, at kapansin-pansin ang kagandaan ng dalawa kahit noon pa man.
Si Ivan Mayrina, graduation photo niya noong highschool ang inilabas.
Hindi naman napigilan ni Shaira Diaz, na maiyak nang magsuot ng toga at graduation cap para sa demo-photo shoot na ginawa sa "Unang Hirit."
Paliwanag ni Shaira, kahit next year pa siya magtatapos, natutuwa siya sa kakaibang pakiramdam na magsuot ng toga.
Naranasan daw kasi niya ang hirap na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho.
"Naalala ko 'yung struggle kasi mahirap pagsabayin yung pag-aaral saka yung pagtatrabaho. Nakailang stop ako tapos nakailang enroll ulit kasi nga 'pag sobrang busy," umiiyak niya paliwanag.
--FRJ, GMA Interated News