Inihayag ni Lexi Gonzales na ang pagpapahalaga sa pamilya at huwag gumanti sa nakagawa ng masama ang ilan sa mga aral na natutunan niya sa pagganap niya bilang si Celine Serrano sa Kapuso series na “Underage.”
“I always say na important ang family. Families are not perfect. Parents especially are not perfect, pero they are your parents eh and no matter what they love and care for you,” sabi ni Lexi sa isang panayam sa Kapuso Showbiz News.
Para kay Lexi, mahalaga na magkakasama na hinaharap ng mga miyembro ng pamilya ang mga pagsubok nila sa buhay.
“So ‘yan ‘yung one thing na nakuha ko sa Underage. It may be difficult sometimes, pero the fact na you guys are together as a family, that’s what’s important. You get through everything basta sama-sama kayong pamilya,” saad ng Kapuso actress.
Sa huling linggo ng Underage, muli nang magkakasama ang magkakapatid na Serrano na sina Celine, Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes) ngunit humaharap pa rin sila sa pagsubok dahil sa paghihiganti ni Velda (Snooky Serna).
Inilahad ni Lexi ang pinakatumatak sa kaniya bilang si Celine.
“‘yung pinakatumatak is her dedication, her kindness, her drive to protect and save her family. That way nakaka-relate talaga ako sa kaniya kasi, ako rin I get strength from my family.”
Ayon pa kay Lexi, natutunan niyang huwag gumanti sa mga gumagawa sa kaniya ng masama.
“Basically everything that I got out from Celine is just very important in life na you must always be kind, huwag kang gaganti. Anyone can say anything about you, puwede nilang gawin lahat ng masama against you, pero huwag na huwag kang gaganti," paliwanag niya.
"Always show kindness. It doesn’t mean na lagi kang magpapa-api, you must also also fight back. But that does not mean na gagawin mo rin ‘yung ginagawa nila,” patuloy niya. --FRJ, GMA Integrated News