Aminado si Dolly De Leon na malaki na ang pagbabago ng buhay niya ngayon at mas masaya na siyang tao dahil sa magandang takbo ng kaniyang career, at historic nominations niya sa Golden Globes and the British Academy of Film and Television Arts (BAFTAs).
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, inihayag ni Dolly na ang pagiging mabuting tao sa kaniyang mga nakakasalamuha ang isa sa mga susi sa mga magagandang nangyayari sa kaniyang buhay.
"I've become a happier person. I was really down in the dumps before any of this happened eh. I was really in a bad, dark place before," saad ni Dolly.
“But what I also learned about this whole thing is that we always have to be kind to everyone that we encounter, and that’s basically it,” pagpapatuloy ni Dolly.
Bago ang magaling niyang pagganap bilang si Abigail sa “Triangle of Sadness” na nagbigay sa kaniya ng mga nominasyon, gumanap muna si Dolly bilang aktres sa teatro at mga lokal na pelikula at TV series.
"What happened before and who I am now, there is a gap there and there is a transition that happens," saad niya.
“The biggest thing I learned is that, buti na lang I was kind to everyone I had known before,” patuloy ng aktres.
Matapos ang mga nominasyon at magwaging best supporting actress sa Los Angeles Critics Award, mas bumait daw ang ilang tao sa kaniyang paligid.
“I treat them with kindness,” sabi ni Dolly. “Kung pinili nilang maging mean or snobbish before, hindi ko sila gagayahin. I will not stoop their level. The only way is to only live by example, walking the talk.”
Ayon kay Dolly, hindi niya maaaring sabihin na “treat people with kindness” kung hindi rin siya mabuti sa mga tao.
Sa kabila ng mga pagsubok, hindi sumuko si Dolly sa buhay.
"Kailangan gawa lang tayo ng gawa, laban lang ng laban and keep going to every audition kasi ang success rate talaga ng audition mababa eh," saad niya.
"That's the sad thing of being an actor. Rejection is part of it, we have to learn to accept it and live with it," dagdag ni Dolly.-- FRJ, GMA Integrated News