Maayos na ang kalagayan at ready na muling rumampa para sa Miss Universe Philippines pageant si Sparkle artist Michelle Dee, na nakaranas ng heavy bleeding noong nakaraang Lunes na dahilan para siya isailalim sa medical procedure.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nakalabas na ng ospital si Michelle at pinayagan na ng duktor na bumalik sa kaniyang trabaho.
"They found that my uterine lining was full of polyps na super dami daw. They had to remove it and cauterize it. Now, I'm just recovering nicely," kuwento ni Michelle.
Nangyari ang pagdala kay Michelle sa ospital sa araw mismo ng kaniyang 28th birthday.
Balik na uli si Michelle sa promotional activities bilang Miss Universe Philippines 2023 candidate at sa kaniyang adbokasiya para sa autism awareness.
Focus daw ngayon si Michelle at hindi raw siya magpapatalo sa pressure sa muli niyang pagsabak sa beauty contest.
"The pressure is just with myself. I only wanna be better than my last performance. I'm gonna be competing against amazing women. I mean, at that night, it's all about destiny," saad ng aktress.
Napapanood din ngayon si Michelle sa Kapuso primetime series na "Mga Lihim ni Urduja.—FRJ, GMA Integrated News