Inihayag ni Winwyn Marquez na nagkaroon siya noon ng insecurity dahil sa kagandahan ng kaniyang ina na si Alma Moreno.
"How was it growing up to a mother who was, is, so beautiful?" tanong ni Tito Boy Abunda kay Winwyn sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles.
“Oh my God, it was so hard. Feeling ko doon nag-start ang insecurity ko with how I look. Kasi siyempre ang ganda-ganda ng nanay ko. I agree with that, my mom is different," pag-amin ng actress-beauty queen.
Dahil dito, laging ikinukumpara si Winwyn sa kaniyang ina.
“Pero laging ‘Bakit hindi mo kamukha ang nanay mo?’ ‘Bakit hindi ka mestisa?’ I doubted myself growing up eh. Pero I realized I’m just so proud of my mom,” ani Winwyn.
Kinumpirma pa ni Winwyn na na-bully siya dahil dito, lalo noong sumali siya sa pageant noong 2015.
“You don’t look like your mom’ ‘You’re not pretty enough’ ‘You’re not tall’ ‘Iba ‘yung hitsura mo.’ Laging kasama ‘yung hitsura ng mom ko with the context of my mother,” kuwento ni Winwyn na mga sinabi umano sa kaniya noon.
Sa kabila ng pagkukumpara sa kanila, sinabi ni Winwyn na proud siya sa kaniyang inang si Alma.
“But there are so much more. But I’m proud that people see her as this woman, diyosa. Nanay ko ‘yan! Proud ako sabihing nanay ko ‘yan. Even if I don’t look like her, I’m proud na nanay ko siya.”
Kalaunan, natuto rin si Winwyn na tanggapin ang sarili niyang kagandahan.
“Na-embrace ko na talaga. ‘Cause I love who I am, I know who I am. If you’re confident kung sino ka talaga, hindi ka na mai-insecure eh,” sabi ni Reina Hispanoamericana 2017.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News