Inamin ng two-time Winter Olympian na si Michael Martinez na “big crush” niya si Ashley Ortega, na siya ring figure skater.
Sa panayam sa Kapuso Showbiz News, ikinuwento ni Michael na nakilala niya si Ashley noong magsimula siya sa kaniyang skating season.
Nagkasama na rin sila sa mga skating competition at shows.
“We did this one skating show which brought us closer talaga. ‘Yung show kasi it’s like a whole day, and for at least one week,” ayon kay Michael.
Bukod dito, nagkakasama rin sila sa dance sessions.
“We see each other, we hang out with each other for so long,” saad ng binata.
“At some point, ‘yun na nga, doon na nga ako na parang ‘Hala! She’s just so beautiful. I have a big crush on her and then, wala, it’s just ano na,” natatawang sabi ni Michael.
Inilahad ni Michael ang mga katangian na nagustuhan niya kay Ashley?
“Lahat!” natatawang sabi ng Olympic figure skater. “Lahat. But definitely, especially ‘yung eyes niya. The way when she talks and her eyes sparkle.”
Napapanood si Michael sa Kapuso series na “Hearts on Ice,” na pinagbibidahan nina Ashley at Xian Lim.
“May scenes kami together na sobrang sobrang shy ako,” pag-amin ng binata.
Nagpasalamat si Michael sa pagkakataon na maipakita sa telebisyon ang talento niya sa ice skating sa pamamagitan ng series.
“Hindi ko po na-imagine na pipiliin ako to perform and show my tricks and not only that, to work with them. I’m really, really happy na napili ako to do it. It’s definitely something very new for me,” saad niya.
Kinatawan ni Michael ang Pilipinas noong 2014 at 2018 Olympics. Siya ang unang figure skater mula Southeast Asia na mag-qualify sa Winter Games.--FRJ, GMA Integrated News