Sa exclusive one-on-one interview ni Boy Abunda, nilinaw ni Liza Soberano ang kaniyang mga naging pahayag sa controversial vlog niya na "This is Me."
Sa naturang taped intervew na ginawa noong Marso 7 at ipinalabas sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, sinabi ni Liza na hindi niya pinangarap na maging artista.
"Hindi ko pinangarap maging artista," ani Liza. "I had to be one para mapa-aral ko sarili ko, mapa-aral ko mga kapatid ko, para mabuhay ang pamilya ko. I think that's one thing na hindi alam ng maraming tao."
"It came from necessity. I needed to make money for my family," patuloy niya.
Ayon kay Liza, 10-taong-gulang siya nang una siyang dumating sa Pilipinas, at kaagad na nilapitan daw siya para makasama sa children's show na "Going Bulilit."
"Me and my dad had a big fight about it kasi ayoko," ani Liza.
Sabi pa ng aktres, mahiyaan siya, boyish, at hindi marunong mag-Tagalog. "And honestly, I wasn't expecting na magtatagal po ako dito sa Philippines."
Nang magkasakit umano ang kaniyang lolo na nasa US, hindi na sila [magkakapatid] na maibalik ng kanilang magulang sa Amerika.
"I was forced to work because I wanted to go back to the States," ani Liza, na sinabi rin sa panayam na napamahal na rin sa kaniya ang kaniyang trababo.
Sa naturang panayam, iginiit ni Liza na nagsasabi lang siya ng "facts" sa kontroberiyal niyang vlog na "This is Me."
"I was just stating facts, breaking down my journey so people would understand where I am, at what point I am in my life right now," paliwanag niya.
"I was literally saying, I started as a child. Hindi ako nagkaroon ng chance, ng pagkakataon na mag-grow into myself as an adult. I didn't get to experience things normal kids get to experience because I started working at an early age," paliwanag pa ni Liza.— FRJ, GMA Integrated News