Inihayag ni Beauty Gonzalez ang kaniyang pasasalamat sa asawang si Norman Crisologo dahil sinusuportahan siya nito sa lahat ng bagay. Natatawa ring ikinuwento ng aktres ang naging palitan nila ng email noon dahil nasa Paris ang lalaki.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, binalikan ni Beauty kung paano sila nagkakilala ni Norman, nang imbitahan siya nito sa ball ng isang magazine.
“After two months we were e-mailing each other and I didn’t take it seriously. Kasi nandoon siya sa Paris tapos ako napapagod nang mag-reply ng English, ang haba-haba. Magche-check pa ako sa Pinterest, pakopya-kopya. Nakakapagod mag-isip oy, ‘di ba?,” pabirong kuwento ni Beauty.
Matapos nito, inimbitahan naman siya ni Norman na pumunta sa Paris. "Sabi ko, o sige go. Pagdating ko duon, I really didn't take it seriously."
Pero nang makita niya kung gaano ito kabait, "Wala na Tito Boy, wala na. Hindi ko masabi, baka ma-bleep pa ako sa TV… hindi na kami naghiwalay.”
Natanong naman ni Tito Boy si Beauty tungkol sa paniniwala ng ilan na dapat kailangang matagal munang magkakilala ang dalawang tao bago sila magkatuluyan.
“Ako hindi ako naniniwala sa ganoon eh. Ako feeling ko when I met Norman, I know this guy… That’s why I feel beautiful and I feel okay with myself because I know, I don’t need to ask permission from him,” paliwanag niya.
Sinusuportahan din umano ng kaniyang mister ang kaniyang mga nais na gawin, at pinapalakas ang tiwala niya sa sarili.
“He allows me to work, he allows me to do anything. He allows me to be a woman. And I’m not scared because I know that no matter what happens, he’s always gonna be there, whether it’s bad or wrong, he’s ready to hold my hands, no judgement,” anang Kapuso actress.
“That’s why I’m very happy and I feel I’m glowing and I’m okay because I don’t need to ask permission to him. He just allows me to do what I like. To be who I am, to grow who I am, to be the person that I am. Because when he’s gone, I’ll be okay. That’s what I’m very thankful for him for that.”
Sa naturang panayam, inihayag ni Beauty na nakaranas siya ng Imposter Syndrome, pagkawala ng tiwala sa sarili. Sa sandaling iyon, si Norman umano ang kaniyang naging therapist para malampasan iyon.
“There are times kasi na kapag sunod-sunod ang Imposter Syndrome na, 'Tama pa ba itong ginagawa ko? Am I still okay?’ You question yourself. He reminds me ‘You still look good, don’t worry, if things are bad,’” sabi ni Beauty.
Biro ni Beauty, binabawi na niya ang dati niyang pahayag na hihinto siya sa pag-aartista.
“Binawi ko na. Gusto ko ng trabaho, lalo na ngayon na nagbabayad na ako ng house. So parang, I have a responsibility,” natatawang pahayag ng aktres. --FRJ, GMA Integrated News