Inanunsyo ng pamilya ng American actor na si Bruce Willis na na-diagnosed siya na may frontal temporal dementia.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing isa sa mga hamon ng sakit ni Bruce ang hirap sa pakikipag-usap, ayon sa pamilya ng “Die-Hard” actor.
Nauna nang inanunsyo noong 2022 na si Bruce ay may aphasia, na isang disorder dulot ng damage sa utak ng isang tao na nagreresulta sa hirap sa pagsasalita.
Hanggang sa magprogreso na ang aphasia ni Bruce sa dementia.
Kasunod ng anunsyo, bumuhos ang suporta sa pamilya ni Bruce online. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News