Umani ng papuri ang post-production “Voltes V: legacy” mula sa original makers ng 70s anime series na Toei Company Limited.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabi ni Shinichiro Shirakura, Director of Planning and Production ng Toei, na napahanga siya sa kakaibang special effects ng palabas.
“Your robots look cool and intense. Beautifully designed with very high quality visual effects. I was really surprised,” saad niya.
“I honestly admire all of you for the great job that you have done. I am personally very inspired, I think your production is so excellent that it made me feel strongly that we must do better to match your quality in the Philippines,” dagdag pa niya.
Ayon kay Paul Ticzon, First Vice President and Head of GMA Network Inc. Post-Production, hindi naging madali ang paggawa sa palabas.
“The show will run for 80 episodes, which amounts to around 2,000 minutes. That’s 22 movies of almost every scene and many graphics. Ang challenge was to make the scenes bigger or larger than lives,” salaysay ni Ticzon.
Aniya pa, aabot daw sa halos isang daang post-production artists ang nagtulong-tulong sa loob ng mahigit dalawang taon para maihatid ang kauna-unahang live action version anime.
Hinamay din daw nila ang bawat eksena para bigyan ng “more realistic look” ang palabas na hindi makikita sa cartoon version ng Voltes V.
“Not only should you satisfy ‘yung expectations ng mga lumaki sa Voltes V, but the expectations of the newer audiences. Kailangan ikaw mismo, I mean you are very very proud of the end product. That’s really the challenge for everyone involved in Voltes V,” dagdag pa ni Ticzon.
Marami ang napabilib sa mega trailer ng Voltes V: Legacy nang ipalabas ito noong bisperas ng Bagong Taon. Umabot na sa milyon-milyon ang views ng mega trailer sa Facebook at Youtube.
Ipalalabas ang Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad. -- Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News