Tila hindi lang ang mga Pinoy ang sabik na mapanood na ang inaabangang upcoming live action adaptation ng Japanese anime series na "Voltes V: Legacy."
Ang embahador ng Japan sa Pilipinas na si Koshikawa Kazuhiko, na isa ring Voltes V fanatic, inihayag ang pananabik na mapanood na ito.
Sa official Twitter account ng embahador, nag-post siya ng larawan ng dalawang Voltes V robot figure nang ipalabas ang mega trailer ng "Voltes V: Legacy."
"Brings back childhood memories! Watching the trailer has made me shout 'Let's volt in!' out of excitement," sabi ni Koshikawa.
"Can't wait to watch this in full when it finally airs this year," sabi pa ng embahador.
Let's Volt In!
— Ambassador of Japan in the Philippines (@AmbJPNinPH) January 6, 2023
Brings back childhood memories! ???? Watching the trailer has made me shout "Let's volt in!" out of excitement ???? Can't wait to watch this in full when it finally airs this year #VoltesVLegacy https://t.co/LGspsf4tz1 pic.twitter.com/7UEtMoNxtA
Marami ang humanga sa trailer ng "Voltes V: Legacy" na may haba na limang minuto, at unang ipinakita sa GMA Kapuso Countdown noong Linggo.
Mayroon na itong mahigit 4.2 milyon views sa Facebook, at mahigit 1.8 milyon views sa Youtube.
Ang "Voltes V: Legacy" ay pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega bilang sina Steve Armstrong at Jamie Robinson. Kasama sina Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho, gaganap bilang sina Mark Gordon, Big Bert, at Little Jon.
Kasama rin sa cast sina Dennis Trillo, Carla Abellana, Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Epy Quizon, Carlo Gonzalez, at maraming iba pa, sa direksyon ni Mark Reyes.—FRJ, GMA Integrated News