Inspirasyon at bagong pag-asa ang hatid ng ilang celebrity babies sa kanilang mga magulang sa pagpasok ng 2023.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang pagka-star ng baby girl nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Dylan sa recent IG post ng mag-asawa.

Nagbakasyon nang buo kamakailan ang pamilya nina Jennylyn at Dennis sa Palawan.

Makikita ang cute na cute na si Dylan sa kanilang family pictures noong holidays.

 

Samantala, ipinakilala na rin nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang ikalawa nilang baby girl, na si Maëlys Lionel.

"A lot of people that just watched Solenn's video is asking me how could I name my daughter Lionel. The reason is I need her to feel Argentinian," paliwanag ni Nico.

"She feels so French already because she is our second daughter," dagdag ni Nico.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

 

Kasama rin ni Winwyn sa pagsalubong sa 2023 ang kaniyang walong buwang gulang na si Baby Luna.

Araw-araw daw na tutok si Winwyn sa mga pagbabago kay Baby Luna.

"Nako 'yung anak ko mahilig nang sumayaw. Ngayon 'pag may naririnig siyang music, sumasayaw na siya," kuwento ni Winwyn. —LBG, GMA Integrated News