Nakagawa ng kasaysayan si Taylor Swift bilang kauna-unahang artist na nakakuha ng Top 10 spots sa Billboard Hot 100 songs Chart.

Namayagpag ang 10th album ni Taylor na "Midnights," na dinomina ang Top 10 ng Billboard Hot 100, para ideklarang first artist na makagawa nito sa 64-taong kasaysayan ng songs chart.

Una sa listahan ng Hot 100 ang "Anti-Hero," na sinundan ng "Lavender Haze," "Maroon," "Snow on the Beach," "Midnight Rain," "Bejeweled," "Question…?," "You're on Your Own, Kid," "Karma," at "VIgilante Shit."

Sa Twitter, inihayag ng American singer-songwriter ang pagkamangha sa naging tagumpay ng kaniyang album.

"10 out of 10 of the Hot 100??? On my 10th album??? I AM IN SHAMBLES," sabi ni Taylor.

Nito lang Oktubre 21 nang ilabas ni Taylor ang "Midnights," ang kaniyang unang album mula nang gawin niya ang "Folklore" at "Evermore" noong 2020. —FRJ, GMA New