Nagkaroon ng isang malaking sorpresa sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," matapos bumisita sa taping ang TV host-actor na si  Luis Manzano.

Sa Facebook, nag-post ang "KMJS" ng larawan nina Luis at Jessica na naka-Korean finger heart.

Ayon sa KMJS, nagkasabay noong Huwebes sa isang venue ang taping ng KMJS at ni Luis para sa vlog ng actor-TV host.

"Lingid po sa kaalaman ng marami, nagkakatapat man dati ang aming mga programa, ilang beses nagpaabot ng tulong si Luis sa mga itinampok naming nangangailangan," saad ng programa.

"Muli, maraming salamat Luis!," ayon sa KMJS.

Inaasahan nina Luis at ng asawa niyang si Jessy Mendiola ang kanilang first baby girl.--Jamil Santos/FRJ, GMA News