Inihayag ni Iya Villania ang kaniyang dahilan kung bakit iningatan niya ang kaniyang pagkababae bago sila ikasal ni Drew Arellano, na iginalang naman ng huli.

Sa latest episode ng vlog ni Camille Prats, inihayag ni Iya na 10 taon silang naging magboyfriend-girlfriend ni Drew bago nagdesisyong lumagay sa tahimik.

Gayunman, marami pa rin daw silang kailangang malaman sa isa't isa nang maging mag-asawa na sila.

"Actually there was a lot of getting to know each other when we were married na, kasi mars we weren't living together. And on top of that I was also a virgin," paglalahad ni Iya.

Diretsahan namang tinanong ni Camille si Iya kung bakit sa tingin niyang "best decision" para sa kaniya ang panatilihin ang virginity bago ang kasal.

"For me, that moment is a sacred one. I want to save it for the person that I will actually marry," sabi ni Iya.

"It's really a wonderful way of honoring yourself and when you honor yourself, you're honoring God," dagdag pa niya.

Kaya naman para kay Iya, posibleng isa ito sa dahilan kung bakit siya nakakatanggap ng biyaya sa kaniyang buhay.

"I don't know if it has anything to do with the blessings that I've been receiving, but you know, who knows? Maybe that's why God has been so good to me."

May apat na anak na ngayon sina Iya at Drew: sina Primo, Leon, Alana at Astro.

Inilahad din ni Iya ang paghanga niya sa asawang si Drew sa pagrespeto sa kaniyang desisyon na manatili siyang virgin bago sila ikasal.

"He is patient and he respected it," anang Chika Minute anchor. "So sa totoo lang, sa aming dalawa, siya talaga 'yung mas palaban. Kasi ako, I don't know what I'm missing out kasi wala pa naman akong action."

"But siya, he knows what it's about but he was willing to wait. Mas mahirap 'yun on his end," dagdag ni Iya.--FRJ, GMA News