Labis ang tuwa ni Kyline Alcantara matapos siyang sorpresahin ni Mavy Legaspi ng isang espesyal na birthday party na dinaluhan ng mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing "shookt" si Kyline sa sorpresang inihanda sa kaniya ni Mavy.
Inakala ni Kyline na may gagawin siyang podcast, pero naging extra special na ang location nang dumating ang mga malalapit nilang kaibigan.
Kinuntsaba ni Mavy ang handler, ilang kaibigan, at mga magulang ni Kyline para sa kaarawan ng aktres.
"Hindi ko po talaga ine-expect lahat. Andito pa si Bianca, andito pa si Ruru, andito pa si Rayver, andito pa 'yung friends namin na sobrang close to my heart," sabi ni Kyline.
"Thankfully nakita na nating lahat na talagang na-surprise si Ky at talagang we had people close to her greet her here in her special birthday. It's been a while since nag-grand birthday si Ky due to the pandemic. And we're also happy na happy si Kyline today," sabi ni Mavy.
Inihayag din nina Rayver, Bianca at Ruru ang kanilang wish para kay Kyline.
"Sobrang successful ni Ky pero sana mas marami pang blessings na dumating sa buhay mo Ky. Nandito lang ako bilang isang kuya mo dito sa industriya. Mahal kita Ky," sabi ni Rayver.
"Ang wish ko kay Ky of course is for her to reach whatever she wants to reach," sabi ni Bianca.
"Nandito kami lagi para sa'yo, nakasuporta sa kahit na anong gagawin mo sa buhay. We love you so much," sabi naman ni Ruru Madrid.
Hindi naman maitago ni Kyline ang kaniyang tuwa sa effort na ibinuhos ni Mavy para mapasaya siya sa darating na kaarawan.
"It's really overwhelming po. Lahat ng effort na ginagawa niya sa akin, I really, really appreciate it. I'm thankful for this guy, and I'm thankful also na binigay siya sa akin ni God," anang aktres tungkol sa binata.--Jamil Santos/FRJ, GMA News