Inihayag ni Mikee Quintos ang kaniyang pasasalamat sa yumaong aktres na si Cherie Gil, na nag-iwan sa kaniya ng mga aral sa pagiging artista.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Mikee ang ilan sa mga larawan at video ng mga proyekto na nakasama niya si Cherie, gaya ng hit series na "Onanay" at "Sirkus."
"I remember my 19 year old self feeling intimidated by just her presence on the set. Seeing a woman wearing her wit with confidence can be overwhelming for some but she inspired me so much" caption ni Mikee sa kaniyang post.
Sa Onanay, gumanap si Mikee bilang si Maila Matayog, na nakatikim din ng 'saboy' scene sa kontrabida role ni Cherie, na gumaganap bilang si Helena Montenegro.
"Working with @macherieamour twoconsecutive shows in a row (Sirkus & Onanay) made me realize what being a true actress really is. Her versatility and range really made me want to be like her," anang Kapuso actress.
"I am honored to be one of the many lives you touched. And I'll forever be grateful for the moments I shared with you, Ms. Cherie. Cheers for you," dagdag ni Mikee.
Pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie sa edad 59.
Endometrial cancer ang ikinamatay ni Cherie, ayon sa pahayag ng pamilya na ipinost sa Instagram ng kaniyang anak na si Raphael Eigenmann Rogoff. --FRJ, GMA News