Nilisan ni Chris Tiu ang kaniyang tinutuluyan matapos maramdaman din sa Baguio City ang magnitude 7 na lindol mula sa Abra.
Sa kaniyang Instagram, mapapanood na pinalabas si Chris at iba pang mga tao sa Baguio Country Club habang nagaganap ang paglindol.
Nag-aagahan daw sina Chris noon nang mapansin nila ang mga nahuhulog na basag na salamin.
Makikitang kasama ni Chris ang newlyweds na sina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo.
Dumalo si Chris sa kasal nina Hidilyn at Julius sa Baguio nitong Martes.
Nagpasalamat naman si Chris dahil ligtas silang lahat. —Jamil Santos/VBL, GMA News