Sa pagtatapos ng Hulyo, isa sa inaabangan ng netizens ang outfit na isusuot ng fashion at style icon na si Heart Evangelista para sa GMA Thanksgiving Gala.

"We're still waiting doon sa friends namin. So what they would like to send me, it's really up to them," sabi ni Heart sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.

Nakabalik na si Heart sa bansa mula sa iba't iba niyang commitment sa abroad.

Kasalukuyan naman siyang naghahanda para sa iba't ibang fashion week events sa Paris, Milan at Thailand.

"I love travelling. That was something kasi that I was sort of deprived of doing when I was young kasi hindi naman ako pinapayagan bumiyahe noong bata ako. But now, like I do it regularly," sabi ni Heart.

Na-miss din ni Heart ang pag-arte at ang kaniyang co-stars, kaya nakikipagkita pa rin siya sa mga ito.

"Of course, I miss all of them. Magkasama kami ni Mavy (Legaspi) tsaka ni Kyline (Alcantara) noong isang araw. Masaya! We try to see each other, nagdi-dinner kami minsan sa bahay din," anang Queen of Creative Collaborations.

Binuksan din ni Heart ang kaniyang bagong wellness store sa Quezon City.

"I have a lot of dreams and goals. I don't think anything can stop me. I will do my best to make sure that I don't have any 'What if's' in life. So thank you na nagwo-work out naman siya." -- Jamil Santos/FRJ, GMA News