Nagwagi si Johnny Depp sa defamation case na kanyang ipinataw laban sa dating asawa na si Amber Heard matapos ang anim na linggong paglilitis.

Sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing inutusan ng seven-person jury sa Virginia ang American actress na magbayad ng $15 milyon in damages kay Depp.

Samantala, $2 milyon naman ang dapat bayaran ni Depp kay Heard.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Johnny Depp (@johnnydepp)

 

"And six years later, the jury gave me my life back. I am truly humbled," sabi ni Depp sa kaniyang IG post.

"From the very beginning, the goal of bringing this case was to reveal the truth, regardless of the outcome," saad pa ni Depp, na sinabing utang niya ito sa kanyang mga anak at tagasuporta.

"I feel at peace knowing I have finally accomplished that," anang American actor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Amber Heard (@amberheard)

 

"The disappointment I feel today is beyond words," saad naman ni Heard sa isa ring pahayag.

"I'm heartbroken that the mountain of evidence still was not enough to stand up to the disproportionate power, influence, and sway of my ex-husband," dagdag pa ni Heard.

"I'm even more disappointed with what this verdict means for other women," she said. "It is a setback. It sets back the idea that violence against women is to be taken seriously," ani Heard.

Kinasuhan ni Depp si Heard dahil sa sinulat na op-ed ng aktres sa Washington Post noong Disyembre 2018 kung saan tinawag niya ang sarili bilang "public figure representing domestic abuse."

Hindi pinangalanan ni Heard, na bumida sa 2018 movie na "Aquaman," si Depp sa kaniyang isinulat, ngunit ipinahiwatig umano na domestic abuser ang aktor. Humingi ang aktor ng $50 milyong danyos.

Naghain din ng sarili niyang reklamo si Heard na pinagbabayad ang aktor ng $100 milyon, at sinabing sinira ang kaniyang puri ng mga pahayag ng abogado ni Depp na si Adam Waldman, na isinaad sa Daily Mail na "hoax" lamang ang kaniyang mga alegasyon kay Depp. —VBL, GMA News