Nagbabala sa publiko ang Kapuso actress na si Carla Abellana tungkol sa fake product endorsement sa social media na ginamit ang kaniyang larawan nang wala siyang pahintulot.
Ipinost ni Carla ang screenshot sa Facebook post na makikita ang kaniyang larawan na pinapalitaw na iniendorso niya ang isang produkto para sa weight loss.
Mariing itinanggi ni Carla sa Instagram story na iniendorso niya ang produkto.
“Please be advised that I do not, never did, and never will use this brand and these products with ads circulating all over social media, particularly on [Facebook],” saad ng aktres.
“This is false advertisement and the page owner has ignored my personal request to remove the ad. I can now proceed to take legal action against them,” dagdag niya.
Sa isang ulat ng GMA Entertainment, dati nang inihayag ni Carla na nagkaroon siya ng hypothyroidism, na dahilan ng pagbigat ng kaniyang timbang noong 2019.
Mula noon, ibinabahagi na ni Carla sa kaniyang IG account ang mga paraan na ginagawa niya para magbawas ng timbang tulad ng meditation at workout. --FRJ, GMA News