Kadiri man sa iba, ang pagkain ng exotic food tulad ng mga hilaw na insekto at seafood ang naging daan sa magandang buhay ng content creator na si "Boy Tapang."
"Sobrang laki ng pinagbago ang buhay ko. Nakabili ako ng mga gusto ko at nakatulong ako sa ibang tao, pahayag ni Boy Tapang, o Ronnie Suan sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Dahil sa kakaibang content ng vlog ni Boy Tapang, marami ang nanonood sa kaniyang video na nilalantakan ang kung ano-anong hilaw na insekto at seafood--pati na bulate.
Ang kaniyang kinikita sa vlogging, ibinabahagi rin niya sa kaniyang mga kababayan.
Nakapagpagawa na rin siya ng bahay, nakabili ng mamahaling motorsiklo, at nasusuportahan ang pangangailangan ng pamilya.
Pero ano kayang exotic food na nakain na niya ang gusto niya uling lantakan? Alamin kung ito at muli niyang pinapak nang hilaw sa video ng "KMJS."
--FRJ, GMA News