Sa pagdiriwang ng kaarawan ng "Eat Bulaga" dabarkads na si Maine Mendoza nitong Huwebes, isang simple pero sweet na mensahe ang ipinarating sa kaniya ng nobyong si Arjo Atayde.
Sa Instagram, nag-post si Arjo ng larawan nila ni Maine, at nalagyan ng caption na nagsasaad ng kaniyang pagmamahal sa nobya.
"Mahal na mahal kita," panimula ni Arjo. "Looking forward to celebrating all of your birthdays with you."
Sa dulo, inihabol ni Arjo na, "Happy, happy birthday Baba."
Nagpaabot din ng birthday message sa comments section ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez at kapatid nito na si Ria.
"Happy birthday Maine, stay happy and in love," saad ni Sylvia.
Nagpasalamat naman si Maine sa lahat ng bumati sa kaniyang ika-27 kaarawan.
Enero 2019 nang unang aminin ni Arjo na nagdi-date sila ni Maine. Nitong nakaraang Disyembre, ipinagdiwang nila ang ikatlong taon ng kanilang pag-iibigan.
— FRJ, GMA News