Hindi itinanggi ni Faith Da Silva na may plano siyang sumali sa national beauty pageants.
Sa online interview ng showbiz press, sinabi ng Kapuso actress na gagawin niya ang pagsabak sa beauty pageant kapag handang-handa na siya.
“’Pag nag-join na ’ko, I wanna make sure that I am 100% ready, nakapag-train na ’ko for everything. I’m excited for that journey pero hindi ko siya minamadali. I wanna take my time,” ayon kay Faith.
Hindi binanggit ni Faith kung alin sa mga beauty pageant ang sasalihan niya.
Pero may mga follower siya sa Instagram ang nakapansin sa pagkakahawig nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Pero habang busy sa kaniyang showbiz career, pinagkakaabalahan ngayon ni paglabas ng kaniyang single “Sana Sabihin Mo Na Lang” under GMA Playlist.
Samantala, agaw-pansin naman ang larawan ni Michelle Dee na ipinost niya sa Instagram, na makikita ang new short hairstyle.
“If looks could kill, [you’re] dead,” saad niya sa caption na may hashtag na #DEEpataposanglaban.
Ang ibang followers ni Michelle, itinanghal na Miss World Philippines 2019, ang napatanong kung sasabak ba siya ngayon sa the Miss Universe Philippines pageant.
Pero posibleng ang caption at hashtag na ginamit ni Michele ay para sa finale bukas ng kinabibilangan niyang Kapuso series na "I Left My Heart in Sorsogon."
Sa naturang series, ginagampanan ni Michelle ang role ni "Hazel," na karibal ni Celeste (Heart Evangelista), sa puso ni Mikoy, (Paolo Contis).
Pero si Celeste, hindi naman makapagdesisyon kung sino ang pipiliing mahalin--kung si Mikoy ba o si Tonito (Richard Yap).
--FRJ, GMA News