Ikinatuwa ni Heart Evangelista na nagbunga ang maraming taon na niyang pagkahilig sa fashion matapos siyang mapabilang sa nagdaang Paris Fashion Week.

"I've been attending Fashion Week for five years now. In this trip, I feel it would be one of my favorite trips kasi parang ngayon na talaga nanganak 'yung lahat ng seeds na na-plant ko," sabi ni Heart sa Kapuso Showbiz News.

Nagpasalamat si Heart sa kaniyang mga karanasan, kung saan nagkaroon pa siya ng mga koneksyon sa fashion industry.

"And I'm very, very thankful dahil malaking tulong talaga 'yung nagkaroon ako ng mga kaibigan in the fashion industry abroad like Christian Louboutin, Kevin Kwan, who are very, very super supportive," sabi niya.

Ikinagulat naman niya na marami ring netizens ang sumusuporta sa kaniya.

"Nabulabog din ako na ganu'n 'yung nangyari and nabulabog din ako sa mga nag-comments sa Instagram because I have been doing it for a long time but it was my first time to attend and to be part of the Dior family," sabi ng aktres.

"So hindi ko in-expect kasi hindi naman din ako 'yung tipo ng artista na ang dami-dami kong fans, ganiyan. So naging proof din siya para sa akin na you just have to stay authentic and real. Kikay talaga ako, maarte ako, and may narating ang kaartehan ko," natatawang pagpapatuloy ni Heart.

Nauna nang sinabi ni Heart na kinailangan niyang ayusan at asikasuhin ang sarili sa nagdaang Paris Fashion Week dahil hindi niya kasama sa biyahe ang kaniyang glam team.

"I really do promote really expressing your individuality and how far it can take you, I guess," sabi ni Heart.

--FRJ, GMA News