Kasama ang Kapuso educational program na "Aha!" bilang finalist sa 2022 Prix Jeunesse International Festival.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing kasama ang "Aha!" sa shortlisted entries mula sa 41 bansa.
Maliban dito, tampok din ang "Aha!" sa festival catalogue na "Quality in Children's TV worldwide."
Nagpasalamat si Drew Arellano, host ng programa, sa "amazing achievement" ng programa, mula sa itinuturing ng "Oscar's" ng children's TV.
Isasagawa ang awarding ceremony ng Prix Jeunesse International Festival sa Germany sa Hunyo.--Jamil Santos/FRJ, GMA News