Gumawa ng ingay ang South Korean boyband na BIGBANG sa kanilang comeback matapos nilang ianunsyo na may bago silang single ngayong 2022, kasabay ng pag-alis naman ng miyembrong si T.O.P. sa YG Entertainment.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Martes, sinabing tapos na ang BIGBANG sa recording ng kanilang kanta at naghahanda na sila para sa kanilang music video shoot.
Excited naman ang fans, na naghayag ng kanilang pagsuporta dahil 2018 pa huling nag-release ng kanta ang grupo.
Gayunman, nayanig ang fans sa anunsyo na umalis si T.O.P. sa ahensiya ng grupo.
Inanunsyo ng YG Entertainment na natapos na ang exclusive contract ni T.O.P. matapos ang 16 taon.
Iginagalang naman ng YG Entertainment ang desisyon ni T.O.P.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News