Kabilang ang mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa mga batang nagpabakuna na kontra COVID-19.
Sa Instagram, nag- post si Judy Ann ng mga larawan sa vaccination site na drive-thru kaya hindi raw na-exposed sa maraming tao sina Lucho at Luna.
"The waiting time is very forgivable bilang drive thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people," saad ng aktres sa caption.
Pinuri din ni Judy Ann ang effort ng mga medical frontliner dahil sa ginawang pagsasaayos sa vaccination site na mala-fiesta ang histura na may mga mascot din tulad nina Cocomelon, Anna and Elsa.
Pati umano ang aktres, naingganyo na ring magpa-booster shot.
"Kaya nagpa booster shot na rin ako! May libre pang balloons! Hats off to all the frontliners for doing this," sabi pa ni Juday.
Simula nitong Lunes, puwede na ring magpaturok ng COVID-19 vaccines ang mga batang edad lima hanggang 11. --FRJ, GMA News