Itinanghal ang Filipino-American songwriter na si Olivia Rodrigo bilang Woman of the Year ng Billboard ngayong 2022.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing ibinigay kay Olivia ang parangal matapos ang iba't iba niyang achievements noong 2021 tulad ng kaniyang hit debut album na "Sour" at top-charting single na "Driver's License."
Sinabi ng Billboard na siguradong magiging pop music legend si Olivia dahil sa husay magkuwento at magsulat ng kanta ng singer.
Hindi pa nagbigay ng komento si Olivia sa bago niyang achievement.
Matatanggap ni Olivia ang kaniyang parangal sa Billboard Women in Music Awards ceremony sa Marso. – Jamil Santos/RC, GMA News