Ipinamalas ni Bianca Umali sa programang "Mars Pa More" ang pagluto niya ng special sinigang recipe na ginamitan ng pinya. Pumasa kaya ito sa panlasa ng mga host na si Camille Prats at Iya Villania?
Ayon kay Bianca, malapit sa puso niya ang naturang recipe na natutunan daw niya sa kaniyang lola.
Matapos ipakita ng aktres kung papaano ang pagluto ng kaniyang sinigang na baboy with pinya, ipinatikim niya ito kina Camille, Iya, at guest na si Gabrielle Hahn.
"Bianca, sobrang sarap," sabi ni Gabrielle nang matikman ang sinigang.
"Para kang lola mo," sambit naman ni Iya.
Sabi naman ni Camille, "I would like to say na puwede ka nang mag-asawa pero wag muna."
"Kami muna mag-e-enjoy ng mga luto mo kaya weekly bumalik ka rito ipagluto mo kami ni Iya," dagdag pa ni Camille.
Dugtong ni Iya, "O kaya padalhan mo kami ng pagkain, happy na kami dyan."
Sabi naman ni Bianca, "Actually, Ok akong maging part ng Mars... ako na lang tagaluto niyo rito."
Panoorin kung papaano lutuin ang katakam-takam na special sinigang recipe ni Bianca.
--FRJ, GMA News